You are currently browsing the monthly archive for July 2008.

Nakakapagod nang mag-isip. Ayaw kasing tumigil sa paggana ang utak ko — gising man ako o tulog, parang pareho lang ang antas ng brain cells na nagagamit ko.

Sabi nga minsan ng isang kaibigan, “Hindi ka ba marunong mag-shut down ng utak?” Ewan ko, ganito talaga ako e, ano pa bang magagawa ko. Mapagod man ako sa kakaisip ng kung anu-anong bagay — mula sa mga mapagpalayang bagay hanggang sa trivial matters — ang tanging magagawa ko lamang ay ang maghinaing, isulat ang blog entry na ito, at pagkatapos ay muling ipagpatuloy ang pag-iisip at paglalapat nito sa praktika.

Wala lang, pagod na talaga ang utak ko. Malamang susunod na rin sa kalaunan ang ibang bahagi ng katawan ko. Tag-ulan pa naman ngayon, kaya masarap lang talagang magpahinga, tumunganga sa wala, humithit ng yosi, uminom ng beer, at makipaghuntahan tungkol sa mga walang kwentang bagay.

Ewan ko ba kung bakit sinusulat ko ‘to. Siguro dahil bigla akong nagising kaninang 4:30 ng madaling-araw sa ingay ng message tone ng aking mobile phone at natanggap ang isang mensahe mula sa isang malapit na kaibigan. Pasensya na talaga, sa lahat ng tao ako pa naman ang dapat na nakakaalam at nakakaintindi sa sitwasyon mo ngayon, pero binigo yata kita.

Pasensya.