You are currently browsing the monthly archive for July 2009.

My beloved,
Oh, my beloved.
I want to declare my love for you to the universe.

Let me call your name to the sun and stars,
Let me scream my devotion to the ocean’s depth,
To earth’s molten core.

Why should any corner of the Cosmos be denied your radiance?
Let the Galaxies themselves crave your divine embrace
As do I.

Intoxicated with passion,
I want to caress you like the wild sea’s wave on the sandy shore.
Endlessly. Endlessly.
Pulling back some small grain of you to myself with each retreat
Until our atoms dance intertwined, the electric nuclear tango of fusion.

Let me be your satellite, your moon.
Circling slowing round the edge of your magnificence.
You always in my gaze
And I caught in the gravitational pull of tantric longing.
Wanting. Wanting.
Dizzy with desire for your presence.
Oh, consume me as the candle’s flame consumes the air
As it’s light absorbs the darkness till our essences are one.

Devoted. Devotion.
You are my mantra and my meditation.
Worshipping your beauty
I will whisper your name into the flower petals
And set it floating gently, a vesper on the evening breeze
You my Mecca, and I your pilgrim.

*Written by Sharon Catley

I wandered through the darkness of the earth,
I heard a voice:
The voice of Walt Whitman,

I crossed the rice fields,
the large weeds with razor-sharp edges,
the revolting rocks,
the radiant flowers,
the salty dew,
the burning river,
the bold forest,
the sleeping mountain,
the resting place.

An image appeared,
surrounded by songs:
the infinite image of Walt Whitman.

Nang ika’y isilang sa araw na ito:
mahinahon ang indayog ng mga hampas ng alon,
maamong bumubulong ang malambing na hangin,
sinasapo ng mga silahis ng araw ang daigdig – ng malugod.

Nang ika’y isilang sa araw na ito:
mailap ang mayayabong na mga bukirin,
ang mga talahib ay sumusugat sa kalamnan,
ang mga karit ay nauutas sa sariling talim.

Ito ang araw nang ika’y isilang.
Ito ang araw ng mahinahong mga alon,
ng malambing na hangin,
ng malugod na silahis sa daigdig,
ng mga mailap na bukirin,
ng mga mabangis na talahib,
ng mga nauutas na karit.

Ito ang araw nang ika’y isilang.

Ito ang araw
nang sumibol
ang iyong bukal sa malalim na dagat,
ang iyong paghabi sa mga amihan at habagat,
ang iyong pagyakap sa namumulang Silangan.

Ito ang araw
nang sumikhay,
ang mga palayan ay ginawang pahina,
ang mga araro ang iyong panulat,
binubungkal, ginagapas
ang mga ugat ng mga mabalasik na damo.

Ito ang araw
at mga sumunod pang araw
na iyong pinalawak ang itinatanim na butil –
mula sa mga pananim
patungo sa mga pamilihang hapis,
patungo sa mga bulwagan ng mga pawis,
patungo sa mga lansangang may bagwis,
patungo sa mga kagubatang sa kalunsuran kikiskis.

Ito ang araw
at mga sumunod pang araw
na pumaimbulog ang iyong paningin,
nang ang kanayunan ang piniling paksain,
nang ang iyong panulat ay bumubuga na ng pulbura,
nang ang gumagapang na apoy ay ang mapagpalaya,
nang ang marahas na mga kampon ay piglasin na ng mga bala.

Ito ang araw
at mga sumunod pang araw
ng iyong pagniniig sa dilim,
ng iyong pag-iisa sa parisukat na malalim,
ng iyong parusang karimarimarim,
ng iyong pag-ahon sa mga batong nakaharang sa iyo at sa amin.

Ito ang araw
at mga sumunod pang araw
sa paglalayag sa bagong larangan,
sa pagsagwan sa nakaliyad na tarangkahan,
sa pagpapatagas ng mga kalat na basura sa sementadong bakuran,
sa pakikipagtunggali ng angkla sa mga paligsahan,
sa pagsupil sa mga pating na kumakatay sa sinapupunan,
sa pagyanig sa tronong kanilang kinauupuan.

Nang ika’y isilang sa araw na ito,
nakakabasag na ang mga hampas ng alon,
umaalingawngaw na ang bugso ng hangin,
nagliliyab na ang sikat ng araw sa daigdig,
nakakasilaw na ang mga bukirin,
nasusugatan na ang mga talahib,
tumatalas na ang mga karit sa sariling talim,
nag-iingay na ang mga palengke,
bumabalikwas na ang maso ng mga likod na pawis,
lumilipad na ng tsinelas sa mga lansangan,
nagniningas na ng mga punglo sa kagubatan,
kumikislap na ang tanghali sa kalunsuran.

Ito ang araw nang ika’y isilang.
Ito ang araw
at mga sumunod pang araw.
Ang iyong mga kagilagilalas na mga araw –
kabataang makabayan, manunulat, peryodista,
mandirigma, bihag ng digma, tagapagsalita,
tagapagtaguyod, progresibong mambabatas,
komunista.

Ano ang susunod pang mga araw?

I

Lagmay: ang pangalan ng mandirigma, o anino, o hamog,
ng mga kagilagilalas na nagmumula sa Hilaga, ang huli:
salita na nagsasabog ng ningning sa kabundukan,
sa kaniyang dapit-hapon ay lumulukso ang dugo.

Namamahay ang mga bubuyog sa iyong pangalan,
niyayakap ng mga rosas na armado ng sanlibong tinik:
ang mga titik ay naliligo sa ilog ng pulot
na tumitighaw sa aking nauuhaw na puso.

Tulad ka ng mahiwagang kampana sa langit
na sagot sa mga naliligaw sa kagubatan
patungo sa bagabag na simbahan ng aking dibdib –
binabasag ang malalalim na pangamba!

Salakayin mo ako ng iyong nagpupuyos na halik,
ikulong mo ako sa misteryo ng mabangis mong mga mata;
hayaan mo lamang na ako’y maglakbay sa iyong pangalan,
hayaan mo lamang na ako’y doon mamahinga.

II

Irog, nagpupuyos ang langit noon, animo’y
lasing ang mga anito, umiiyak ang mga kalye,
nagdadasal ang mga nananampalataya,
napakadilim ng gabi, mahimbing ang mga bituin.

Nangahas akong suungin ang alon, ang bigwas
ng ligaw na habagat, ang mga nagagatong hagdan
ng pag-ibig, ang mga aligagang sandali –
kapalit ng mga baka-sakali ng iyong ngiti.

Ay, ‘di ako nabigo, ‘di mo ako binigo;
nabuhay ang orkidya sa lunsod, nagningas
ang kahabaan ng Visayas, ang mga isla’y
nagbunyi sa himig ng halimuyak ng iyong tinig.

Binigkas natin ang mga pagbati ng simula –
nasulyapan ko ang daigdig ng bahaghari sa iyong
mga mata; panatag na ang dagat, umaawit.
Maglalayag tayo sa agos ng bulkan, sa sigla ng apoy.

III

Naisulat ko ang tula nang gabing iyon;
ikaw ang paksa ng mapupusok kong linya:
ang mailap na diyosa, ang langgam na gumagapang
sa bawat kaba, ang panaginip ng sanggol

sa madaling-araw, ang maalamat na baul
na nakalagak sa sinapupunan ng panahon,
ang marikit na maya sa palayan sa tag-araw,
ang pagsabog ng liwanag sa bukang-liwayway.

Nahawakan ko ang tubig, naikulong ko ang sandali,
naiguhit ko ang dunong ng matatandang pantas sa aking palad;
katulad sa kung paano nagniniig ang hangin at apoy,
katulad sa kung paano nagtatagpo ang liwanag at dilim

sa dapit-hapon. Ang kalawakan ay huminto, bumulusok
sa atin na may dalang musika – inangat tayo
papalapit sa hininga ng ating nag-aalab na dibdib.
Pinagsipingan natin ang hiwaga ng gabi.

IV

Ang puso ng makata ay ‘di tulad ng isang matalas
na espada na humihiwa ng hangin, o malawak na
palayan na nakakasilaw ang ani, o masiglang gusali
na nakaliyad ang mga haligi, o maanghang

na sili sa parang, o maamong tupa sa pastuhan.
‘Di ang lagaslas ng ilog sa tanghaling tapat,
o ang payasong nagbibigay sigla sa gabi.
Ang puso ng makata ay tulad ng isang,

isang malungkot na mangangaso na nangungulila
sa talim ng sandata mong ngiti; o nagagatong tulay
na ulila sa binhing itinatanim ng iyong mga hakbang;
o pinunit na papel na pinagkaitan ng baytang

ng iyong mga salita; o mga labi na nauuhaw sa tamis
ng iyong mga halik; o asong ulol na nagkukumahol
sa iyong pandinig; o isdang nalulunod sa daloy
ng iyong katawan; o mahabanging langit, umiiyak.

V

Iniibig kita tulad sa kung paano iniibig
ng mga nayon ang mga pulang mandirigma
nang masigasig – sa pagitan ng mga nakahimlay
na bukirin at nagliliyab na talahiban.

Ang iyong pangalan ang silahis na tumatagos
sa aking kaluluwa habang ako’y nakatayo –
nag-iisa – sa gitna ng malawak na kaparangan
sa tag-araw, sinusunog ang iyong ala-ala.

Iniibig kita, aking natitiyak. Ang totoo’y
kaya kong ikulong ang apoy ng aking pag-ibig –
lumaya ka lamang patungo sa lupalop na nais
mong lakbayin, aking Irog – nang malugod.

Ang iyong ala-ala ay huhubugin kong sandata,
iaalay ko sa kanila – sa masa na patuloy na umaasa.
Kung ako’y lalamigin sa gabi, ‘wag kang mag-alala,
aking Irog, darating ang umaga: namumula, nag-aalab.