You are currently browsing the monthly archive for October 2009.
na alam ko ang pangalan ng lahat
at aking bibigyan ng ngalan yaong ‘di ko alam:
dukkha, naufragio, talinghaga.
Katulad ng mga musmos
na may pusong ‘di nagtutulak ng kahihiyan,
iniibig ko ang mga labis ng kariktan,
‘di sapat ang liwanag ng araw
sa daigdig na aking pamumuhayan,
‘di sapat ang puwang para sa pag-ibig.
Ako’y nangangamba na walang magtatagal sa ating dalawa
para patotohanan ang matagal ko ng hinala,
na ang himpapawid ay isa lamang lamad
sa loob ng bungo ng anghel,
ang mga puno ay nag-uusap sa gabi,
ang yelo ay tubig sa gitna ng katahimikan,
ang sanggol sa sinapupunan ay nakikinig sa ating sinasabi.
Ako’y nangangamba sa bata na nagluluksong-lubid
sa sulok ng aking pasilyo,
sa dilag sa tren na may mga bulaklak sa kaniyang buhok,
sa lalaking ang buong ala-ala
ay sa wikang Kastila. Ako’y higit na nangangamba na mawalan ng ulirat
kapag ako’y humimbing, na sa aking paghimbing
ako’y tatanda at makakalimot kung paano na minsan
ang pagnanasa ang nagpabaliw sa akin sa kawalan ng antok.
Katulad ng mga sakdal na panahon
sila ay papanaw
at ako ay papanaw
at ikaw din ay papanaw;
walang nakakaalam kung sino ang mauuna,
at ito ang ugat
ng lahat ng aking pighati.
(Pasintabi kay Eric Gamalinda)
From here to the red rays of the sun,
I clench my fist – like thunder drawing
itself to your bosom;
to picture my unselfish memory
of you making love with the masses.
From here to the line of fire,
I raise my arms – like clouds holding
the rains beneath your eyes;
to free the class of the deprived.
From here to the roses of battles,
I open myself – like bullets fired
across the fields against the enemies;
to win your heart and the people’s.
(April 2001)
Sa araw na ito, hayaan mong ibulong ng hangin ang aking pagbati sa iyo –
nang may kagalakan – katulad sa kung paanong ang mga maya sa palayan
ay umaawit ng walang alinlangan.
Sa araw na ito, hayaan mong ibuhos ng kasalukuyan ang aking pasasalamat –
nang taimtim – katulad sa kung paanong niyayakap ng bukang-liwayway
ang mga kabundukan sa parang.
Sa araw na ito, hayaan mong handugan kita ng tula –
nang may pagpapakumbaba – katulad sa kung paanong yumuyuko
ang anino sa dapit-hapon.
Sa araw na ito,
sa araw na ito ng Setyembre,
mapagpalaya ang araw,
mapagpalaya ang kaarawan.
(Sinulat para sa Setyembre 5, 2009)
Kapag binibigkas ko ang salitang Kinabukasan,
ang unang pantig ay naroon na sa nakaraan.
Kapag binibigkas ko ang salitang Katahimikan,
binabasag ko ito.
Kapag binibigkas ko ang salitang Kawalan,
nililikha ko ang bagay na hindi kayang sapuhin ng walang buhay.
(Pasintabi kay Wisława Szymborska)
Tanging ikaw ang musa –
ang diyosa sa aking mga alamat,
ang rosas sa aking mga digmaan,
ang hamog sa aking mga tag-araw.
I.
Umaga.
Isang umaga nang kita’y alayan
ng wangis ng aktibista bilang isang mangingibig
sa piling ng nagniningas na mga buhangin
at nagpupunyaging mga alon.
Hapon.
Isang hapon nang nalaglag ng tuluyan
ang mga natuyong dahon na nababad
sa iyong mga luha.
Gabi.
Isang gabi nang ako’y maglakbay
ng walang kasiping
at natagpuang ikaw ang tanging bulaklak
sa kagubatan ng aking kaluluwa.
II.
Hapon.
Isang hapon ng ligalig na napawi
ng pagtatagpo ng ako at ikaw
nang may pagbabadya
ng mapupusok na planeta
sa wagas na mangingibig.
Gabi.
Isang gabi ng pagsabog
sa kalawakan na tanging tayo
ang nakaligtas
ng walang nakakaalam
maliban sa matatandang pantas.
Umaga.
Isang umaga ng ako’y napoot
na sa aking paghimbing
ay muling sumilay sa Hilaga
ang nag-iisang bituin
ng aking daigdig.
III.
Gabi.
Isang gabi ay niyakap
ng hiwaga ang Mayo
at ang dakilang mangingibig
at ikaw
ay naglahad
na ang sukatan ng paglalakbay
ay ang pag-unlad
ng pagkatao ng manlalakbay.
Umaga.
Isang umaga ay nagtagisan
sa grabidad
pagkatapos
kong kumawala
papalayo
sa iyo.
Hapon.
Isang hapon ay nagisnang
nilulusaw ng hangin ang apoy
at ikaw ay nasa ibang lupain
kasama ang tubig
na ninais kong iyong ibuhos
sa bukal ng aking dibdib.
XXXII.
Tanging ikaw ang musa.
What is poetry that does not save nations and peoples?
Flood, flood that destroys homes and books.
Horses, insane horses with no master
pounding on family’s chest.
Poisoned blood, no milk, pure pain.
Dead.
Dead.
Dead.
Dead.
Countless dead.
Corpses floating in mud.
Governments, bad governments.
What is poetry that does not save nations and peoples?
Floods and governments.
It is floods and governments.
(Tula na isinulat at binasa sa Ahon (Tula at Tulong sa mga Nasalanta ng Ondoy) sa Conspiracy Bar noong Oktubre 6, 2009.)

Blog Action Day: 10.15.09, Climate Change
October 14, 2009 in Commentary | Leave a comment
http://www.bloggerskapihan.com/2009/10/08/blog-action-day-2009-pilipinas/