na alam ko ang pangalan ng lahat
at aking bibigyan ng ngalan yaong ‘di ko alam:
dukkha, naufragio, talinghaga.
Katulad ng mga musmos
na may pusong ‘di nagtutulak ng kahihiyan,
iniibig ko ang mga labis ng kariktan,
‘di sapat ang liwanag ng araw
sa daigdig na aking pamumuhayan,
‘di sapat ang puwang para sa pag-ibig.
Ako’y nangangamba na walang magtatagal sa ating dalawa
para patotohanan ang matagal ko ng hinala,
na ang himpapawid ay isa lamang lamad
sa loob ng bungo ng anghel,
ang mga puno ay nag-uusap sa gabi,
ang yelo ay tubig sa gitna ng katahimikan,
ang sanggol sa sinapupunan ay nakikinig sa ating sinasabi.
Ako’y nangangamba sa bata na nagluluksong-lubid
sa sulok ng aking pasilyo,
sa dilag sa tren na may mga bulaklak sa kaniyang buhok,
sa lalaking ang buong ala-ala
ay sa wikang Kastila. Ako’y higit na nangangamba na mawalan ng ulirat
kapag ako’y humimbing, na sa aking paghimbing
ako’y tatanda at makakalimot kung paano na minsan
ang pagnanasa ang nagpabaliw sa akin sa kawalan ng antok.
Katulad ng mga sakdal na panahon
sila ay papanaw
at ako ay papanaw
at ikaw din ay papanaw;
walang nakakaalam kung sino ang mauuna,
at ito ang ugat
ng lahat ng aking pighati.
(Pasintabi kay Eric Gamalinda)

No comments yet
Comments feed for this article