You are currently browsing the category archive for the 'Personal Stuff' category.

Igorota
On a soft green [play] ground by the river bend
She was sitting there to meet the morning sun
She was playing a [flute] when the songbird’s broke out

As they listened to [her wonderful] melody
And he was filled with every note she’s playing
Slowly I sat by her side

Refrain:
Igorota, girl of my dreams
You’re the most precious gift that I ever had
Igorota, queen of my heart
I’ll go on loving you
Throughout my life

You are my day, my morning sun
You’ll forever be my only one
She puts the [flute] then sweetly she smiles

And she asks me, “Why are you staring at me?”
I held her close and a songbird sang
I whispered to her, “I love you.”

Nagiging masalimuot ang mga pangyayari. Sadya lamang sigurong mahiwaga ang buwan ng Hulyo at Agosto. Pati pala ang Hunyo. Parang bagyo — laging walang pagbabadya, walang paalala.

May mga dahilan, nararamdaman ko. ‘Di ko lamang alam kung talagang inaadya. E kada buwan kasi, may nangyayaring mabigat — may bahaging negatibo, may bahaging positibo, meron din namang ‘di mo mawari kung ano, at meron namang nagbabadyang maging positibo pero negatibo pa ngayon pero pakiramdam ko ay hindi naman talaga negatibo bagkus ay positibo.

Ewan, pati ako naguguluhan na minsan. Paano mo ba malalaman kung ano ang susundin? Ang daming magkakahalo — palaging nagsasalimbayan, palaging nagpapaligsahan.

Baka ganoon na lang, naisip ko — ang gawing musa ang mga positibo, ialay na lang sa altar ang mga negatibo.

Magkakaroon ba ng aparisyon ng bagong musa na nilikha lahat ng mga positibo, kung gayun? O baka naman meron na,  ayaw lang iadya ng panahon/pagkakataon? Baka naman inaadya na, kaya babaguhin na ang panahon/pagkakataon?

Susubukan kong magmalimos ng sagot sa darating na mga araw. Sa ngayon, hihiga lang ako gabi-gabi sa damuhan, titingala sa kalangitan, mananalangin ng mga pag-aadya. Ngingiti na lamang pagkatapos. Maaliwalas kasing titigan ang aking North Star.

Nakakapagod nang mag-isip. Ayaw kasing tumigil sa paggana ang utak ko — gising man ako o tulog, parang pareho lang ang antas ng brain cells na nagagamit ko.

Sabi nga minsan ng isang kaibigan, “Hindi ka ba marunong mag-shut down ng utak?” Ewan ko, ganito talaga ako e, ano pa bang magagawa ko. Mapagod man ako sa kakaisip ng kung anu-anong bagay — mula sa mga mapagpalayang bagay hanggang sa trivial matters — ang tanging magagawa ko lamang ay ang maghinaing, isulat ang blog entry na ito, at pagkatapos ay muling ipagpatuloy ang pag-iisip at paglalapat nito sa praktika.

Wala lang, pagod na talaga ang utak ko. Malamang susunod na rin sa kalaunan ang ibang bahagi ng katawan ko. Tag-ulan pa naman ngayon, kaya masarap lang talagang magpahinga, tumunganga sa wala, humithit ng yosi, uminom ng beer, at makipaghuntahan tungkol sa mga walang kwentang bagay.

Ewan ko ba kung bakit sinusulat ko ‘to. Siguro dahil bigla akong nagising kaninang 4:30 ng madaling-araw sa ingay ng message tone ng aking mobile phone at natanggap ang isang mensahe mula sa isang malapit na kaibigan. Pasensya na talaga, sa lahat ng tao ako pa naman ang dapat na nakakaalam at nakakaintindi sa sitwasyon mo ngayon, pero binigo yata kita.

Pasensya.

One television character once said that, “When you’re having intense emotional enlightenment, just listen to the songs of Sarah McLachlan, and everything will be fine,” or something like that.

I did, and I felt it — everything will just be fine. Just trust time, trust your heart, trust your soul. As one writer put it, “What we call the beginning is often the end. And to make an end is to make a beginning. The end is where we start from.” And I felt contentment.

Fallen

Heaven bent to take my hand
And lead me through the fire
Be the long awaited answer
To a long and painful fight

Truth be told I’ve tried my best
But somewhere along the way
I got caught up in all there was to offer
And the cost was so much more than I could bear

Though I’ve tried, I’ve fallen…
I have sunk so low
I have messed up
Better I should know
So don’t come round here
And tell me I told you so…

We all begin with good intent
Love was raw and young
We believed that we could change ourselves
The past could be undone
But we carry on our backs the burden
Time always reveals
The lonely light of morning
The wound that would not heal
It’s the bitter taste of losing everything
That I have held so dear.

I’ve fallen…
I have sunk so low
I have messed up
Better I should know
So don’t come round here
And tell me I told you so…

Heaven bent to take my hand
Nowhere left to turn
I’m lost to those I thought were friends
To everyone I know
Oh they turned their heads embarrassed
Pretend that they don’t see
But it’s one missed step
You’ll slip before you know it
And there doesn’t seem a way to be redeemed

Though I’ve tried, I’ve fallen…
I have sunk so low
I have messed up
Better I should know
So don’t come round here
And tell me I told you so…

Rainbow Connection

Why are there so many songs about rainbows
and what’s on the other side?
Rainbows are visions, but only illusions,
and rainbows have nothing to hide.
So we’ve been told and some choose to believe it.
I know they’re wrong, wait and see.
Someday we’ll find it, the rainbow connection.
The lovers, the dreamers and me.

Who said that every wish would be heard
and answered when wished on the morning star?
Somebody thought of that and someone believed it.
Look what it’s done so far.
What’s so amazing that keeps us star gazing
and what do we think we might see?
Someday we’ll find it, the rainbow connection.
The lovers, the dreamers and me.

All of us under its spell. We know that it’s probably magic.

Have you been half asleep and have you heard voices?
I’ve heard them calling my name.
Is this the sweet sound that called the young sailors.
The voice might be one and the same.
I’ve heard it too many times to ignore it.
It’s something that I’m supposed to be.
Someday we’ll find it, the rainbow connection.
The lovers, the dreamers and me.

Celine,

*Daydream delusion, limousine eyelash / Oh baby with your pretty face / Drop a tear in my wineglass / Look at those big eyes / See what you mean to me / Sweet-cakes and milkshakes / I’m a delusion angel / I’m a fantasy parade / I want you to know what I think / Don’t want you to guess anymore / You have no idea where I came from / We have no idea where we’re going / Lodged in life / Like branches in a river/ Flowing downstream / Caught in the current / I carry you / You’ll carry me / That’s how it could be / Don’t you know me? / Don’t you know me by now?

Jesse

*From “Before Sunrise”

“Dalawang klase lamang ang kamatayan. Ang kamatayang singbigat ng bundok o ang kamatayang singgaan ng isang balahibo.”

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ilang oras bago ko matanggap ang isang balitang gumimbal sa akin kahapon– na pumanaw na daw si Rep. Crispin “Ka Bel” Beltran. Paano kasi, madaling-araw ng Martes, Mayo 20, bandang alas-dos ng madaling-araw, nangangabog ang dibdib ko sa ‘di ko alam na kadahilanan.

Ang natitiyak ko lang, ang mga oras na iyon ay katulad din nang mga oras sa nakaraan na mayroon akong pakiramdam (o takot) na mayroong masamang mangyayari pagsikat ng araw. Kaya bandang alas-kuwatro na ng umaga nang ako’y tuluyang makatulog. Hindi ko alam, pero talagang sobra ang naging pakiramdam ko na ‘yun.

Nagising ako lamapas alas-dose na ng tanghali ng araw na ‘yun. Hindi ko mawari pero andun pa rin ang pakiramdam na ‘yun. Nang biglang may natanggap akong text mula sa NUPL, ang sabi’y, “Neri suggests na retain the name of ka bel sa jmsu petition in recognition sa last fight nya.”

Hindi ko maintindihan ang nasabing text, o ayaw lamang talagang i-proseso ng utak ko. Ayokong mag-isip nang kung anumang masamang nangyari kay Ka Bel nang mga sandaling iyon; ayokong bigyan ng dahilan ang takot na nararamdaman ko noon. Sana nagkamali lang ang nag-text, sana, dasal ko noon.

Ilang minuto ang lumipas, tumawag na ang isang kaibigan na staff sa NUPL. Nagkaroon ng kumpirmasyon — pumanaw na nga si Ka Bel sa edad na 75, lampas alas-onse ng umaga ng araw na ‘yun.

‘Di ko mapigilan ang sarili ko, pumatak ang luha, unti-unting bumuhos. Para nga kasing hindi totoo, parang isang panaginip lamang. Ayaw tanggapin ng isip ko na wala na si Ka Bel; ayaw kong isiping wala na talaga si Ka Bel.

Sa mga nakasama ni Ka Bel sa gawain, alam naming lahat na tunay na isang napakalaking karangalan para sa amin ang nakasama siya sa paggampan ng mga gawain. Sobrang tapang sa labanan, sobrang bait sa tao, sobrang likot ng isip sa mga usapin, sobrang mapagpakumbaba sa kahit sino, sobrang madaling makagaanan ng loob, sobrang sigasig sa gawain — wala kang masasabing kulang. Ikaw pa nga ang magsasabi na magbawas ng kahit konti lang.

Sinasabi ko ito ‘di dahil sa naging staff ako ni Ka Bel sa Kongreso mula Pebrero 2002 hanggang Mayo 2003, unang termino niya bilang kinatawan ng Bayan Muna. Sinasabi ko ito dahil ganun talaga si Ka Bel, saan mang lugar, saan mang panahon, kahit anong oras, kahit anong sandali. Kaya nga doon ka hahanga kay Ka Bel, doon maaantig ang puso mo, doon ka mapapaluha sa kaniyang pagpanaw.

Hanggang sa huling sandali kasi ng kaniyang hininga, yakap-yakap ni Ka Bel ang kaniyang uri — ang uri ng masang anakpawis, ang uring proletaryado. Doon mo makikita ang kaniyang marubdob na pagyakap sa kaniyang uring pinagmulan — nahulog kasi si Ka Bel sa hagdan na naka-angkla sa bubungan ng kanilang bahay; inayos kasi ni Ka Bel ang butas ng kanilang bubungan bandang alas-siyete ng umaga nang araw na ‘yun; halos labing-apat na piye ang taas ng bubong na pinaghulugan ni Ka Bel; una ang kaniyang ulo na tumama sa semento sa ibaba. Iyon na ang naging simula ng pagpanaw ni Ka Bel.

Marami tiyak ang nagtatanong — bakit si Ka Bel ang umakyat sa kanilang bubungan para ayusin ito?; hindi ba’t isa siyang Congressman?

Iyon na nga ang katibayan na hanggang sa dulo ng buhay ni Ka Bel, yakap-yakap niya ang kaniyang uring pinagmulan. Oo Congressman si Ka Bel, pero titulo lamang iyon para sa kaniya. Kahit naging Congressman si Ka Bel, hinding-hindi niya kailanman tinalikuran ang kaniyang uring pinagmulan, hinding-hindi niya kailanman kinompormiso ang kaniyang prinsipyo, hinding-hindi siya kailanman nangulimbat sa kaban ng yaman. Naging Congressman si Ka Bel na isinabuhay niya ang pagiging isang tunay na kinatawan ng masang anakpawis, walang kulang, labis pa nga.

Si Ka Bel ay hindi nagpalimita sa paghina ng kaniyang katawan; ang kaniyang isip at determinasyon ay nanatiling masiglang-masigla at matalas hanggang sa huling sandali.

Tiyak ngang mahirap itong unawain — para sa mga hindi nakakakilala kay Ka Bel, para sa mga Kongresistang kalaban ng uri ni Ka Bel.

Si Ka Bel kasi ang simbolo ng masang anakpawis na mula simula hanggang sa huli ay kasama niya ang masa. Hindi nga ba’t si Ka Bel ang Kongresista na matagal na panahong nakatira sa squatters’ area sa NGC Area malapit mismo sa Kongreso?

Tunay na kahanga-hanga si Ka Bel. Tunay na tagapagtaguyod ng maralitang mahihirap. Tunay na kasama ng masa. Tunay na isang masa.

Gusto kong idiin, kahit na noong ginipit si Ka Bel ng gobyernong Arroyo nang siya ay arestuhin bunga ng isang kasong panahon pa ni Marcos nagmula at matagal nang dapat naibasura, hindi kailanman nabawasan ang determinasyon ni Ka Bel para lumaban. Humina man ang kaniyang pangangatawan, mas lalo naman siyang naging mabangis, mas lalong tumapang.

At may kinalaman ang gobyernong Arroyo sa kamatayan ni Ka Bel. Sa panahon kasi na siya ay inaresto at matagal na panahong nakakulong sa Philippine Heart Center, doon nga unti-unting nanghina ang pangangatawan ni Ka Bel, doon lumala ang nararamdaman niyang sakit sa katawan. Kaya hindi ligtas sa responsibilidad ang gobyernong Arroyo sa kamatayan ni Ka Bel. At natitiyak ko, hindi tinatanggap ni Ka Bel ang anumang mensahe ng pakikiramay na magmumula sa palasyo ni Gloria.

Sa pagpanaw ni Ka Bel, para akong nawalan ng isang ama. Malapit kasi sa akin si Ka Bel dahil nga sa matagal na panahon din naming pagsasama sa Kongreso. Naging malungkot man ang paghihiwalay namin ni Ka Bel sa Kongreso noon, naging inspirasyon naman si Ka Bel para sa aking muling pagbabalik. Hindi kasi mawawala ang diwa ng determinasyon, ang piglas ng kamaong mapagpalaya, ang dagundong ng sigaw ng pakikibaka kapag nakasama mo si Ka Bel sa gawain. Mawala man sa sandaling panahon, babalik at babalik ka rin para ituloy ang laban.

Hindi ako magpapaalam kay Ka Bel. Mas gugustuhin kong manatili siyang bahagi ng aking buhay bilang isang buhay na kasama, kaibigan, pangalawang ama.

Kaya sa petisyon para ibasura ang Joint Marine Seismic Undertaking na isinampa sa Korte Suprema kaninang umaga, kasama ka pa rin namin Ka Bel, isa ka pa rin sa Petitioners nito. Ang petisyon na ‘yun, na aking sinulat at ang aking unang kaso bilang isang abogado, ay inaalay ko sa iyo ng buong tapang, Ka Bel. (Ang buong kopya ng Petition for Certiorari and Prohibition with application for Temporary Restraining Order and/or Preliminary Injunction.)

Walang duda, ang kamatayan ni Ka Bel ay kamatayang singbigat ng isang bundok. At ‘wag kang mag-alala, Ka Bel, alam kong pinangarap mo na sana kung papanaw ka ay sa gitna ng isang labanan. Walang duda, Ka Bel, pumanaw ka na nasa gitna ng ating laban para sa pagpapatalsik kay Gloria, pumanaw ka na nasa gitna ng ating laban para itaguyod at ipaglaban ang kapakanan ng masa, pumanaw ka na nasa gitna ng ating laban sa pagpapapula ng silangan — dahil ang isang rebolusyonaryo ay rebolusyonaryo sa lahat ng sandali, sa lahat ng oras, sa lahat ng panahon.

Ang isang rebolusyonaryo, sa kaniyang bawat paghinga at pagkawala man nito, ay isang rebolusyonaryong gumagampan ng mapagpalayang pagkilos. Ikaw, Ka Bel, ang rebolusyonaryo.

A friend, cookie, has this entry on her blog — about sacrifices in a world where sanity is a precious thing, and retaining it is a rarity:
“J.D. on Sacrifices

When you start med school they warn you that you’re gonna have to make sacrifices. That means different things to different people…like giving up something you really want now for something you’ve wanted your whole life…or spending less time on yourself so you can spend time with someone you really love. At some point, you might even have to give up your own sense of safety and well-being. But after a while, it doesn’t feel like you’re giving up anything at all.

-Dr. John “J.D.” Dorian
My Sacrificial Clam Episode
SCRUBS. Season 1.

As with law school, J.D. As with law school.”
I agree, cookie, I fully agree. Indeed, as not a few people belittle the saying, “Law is a jealous mistress,” they better start thinking about it again.
Mutatis Mutandis, I hope.

“Pag-ibig, hindi panahon, ang nagtatanggal ng sakit. Pag-ibig, hindi panahon, ang naghihilom ng sugat. Pag-ibig, hindi panahon, ang nagbibigay ng mga aral tungkol sa pag-ibig. Pag-ibig, hindi panahon, hindi ang paglipas ng panahon…” — S.A.

Put*******! Nakakaramdam na ako ng galit. Lagi ko kasing naaalala ang isang dating pagbubunyag, at matapos ang mahaba-haba ring panahon, ito na, unti-unti na ngang sumisiklab ang galit.

Matagal-tagal ko rin kasing pinag-isipan, sinuri, pinagbali-baligtad ang mga nalaman. Sabagay, ‘pag gusto mo kasi talagang magbago, balewala ang lahat ng pagbubunyag, gaano man kasakit, gaano man kalalim ang huhukaying sugat.

Kaya ngayon lang lumalabas ang galit, pagkatapos ng mahabang pag-iisip at pagsusuri. Put*******! Sabi nga ng isang kaibigan, “minsan kailangan mo ring maging confrontational, kasi parang bigla ka naman kasing bumait ng sobra, magtira ka naman ng dating ikaw kahit konti lang.”

Tama nga siya siguro. Kahit konti lang, basta ang importante, malinaw ang dahilan ng galit, malinaw ang dahilan ng pagmumura kada madaling-araw. Prinsipyadong galit, prinsipyadong mura, ika nga.

Hindi pa tapos, may susunod pa. Put*******!

1. Mababa ang kaniyang luha, kaya ‘wag sagarin ang pagbibiro sa kaniya dahil tiyak na maiiyak siya;

2. Madali siyang magkasakit. Malamigan o maulanan lang ay nagkakasipon o nagkakalagnat na, kaya kulitin siyang magsuot ng jacket o sweater o magdala lagi ng payong kapag malamig o umuulan;

3. Kulitin siya na bawasan, o kung maaari ay iwasan, ang paninigarilyo dahil tiyak, kapag nagkasakit siya, iyun ang unang task na ibibigay niya sa iyo;

4. Mahilig siyang magluto, pero gusto niya na mahilig ring magluto ang karelasyon niya. ‘Wag kalimutang tulungan siya kapag nagplano siyang magluto;

5. Paborito niya ang kare-kare, hipon, alimango, oyster, pasta, at mushroom;

6. Paborito niya si Tori Amos, kaya dapat matutunan mo ang mga kanta nito. Mahilig kasi siya sa music, at ayaw na ayaw niya ng tv;

7. ‘Wag mong aasarin ang kulot niyang buhok, at tiyak na mag-aaway kayo. Ganoon din ang kita niyang gums kapag tumatawa, dahil tiyak na sisimangutan ka niya;

8. Kung may pimples siya, ‘wag mong pansinin dahil hindi nagkakaroon ng pimples ang isang bulaklak;

9. Matagal na niyang pangarap na magkaroon ng isang table-fixed na pencil sharpener;

10. ‘Wag kang magbabanggit ng anuman tungkol sa “gmo” at tiyak na makakatikim ka ng isang maalab at madamdaming lecture tungkol dito;

11. ‘Wag na ‘wag mo ring mababanggit na tumaya ka sa lotto, dahil uusok ang kaniyang ilong sa pagkainis;

12. Kung natural na malakas ang boses mo, pilitin mong babaan ito kapag nag-uusap kayo, dahil iisipin niya na sinisigawan mo siya;

13. Masipag siyang maghugas ng plato, sa bahay nga lang nila. Kaya ‘wag mo siyang paghuhugasin ng plato sa bahay ninyo;

14. Kapag nagkikita kayo, una mo agad itanong na “Kumusta, anong mga ginawa mo?” Gusto niya na laging may nakalaang sapat na oras at atensiyon para sa kaniya;

15. Pilitin mong basahin lahat ang kaniyang nasulat na articles sa PW, dahil iyon ang unang task mo tuwing lumalabas ang isyu nito kada linggo. ‘Wag kang magkakamaling magkunwari dahil malalaman niya kung nagsisinungaling ka – itatanong niya kasi ang mga detalye ng laman ng articles;

16. Gusto rin niyang pinupuri ang kaniyang mga kuha na pictures mula sa kaniyang high-tech na camera. Passionate siya pagdating sa hobby na ito;

17. Kung may videoke, tiyakin na makakakanta siya, dahil maganda ang boses niya;

18. Kapag pasko at magbibigayan kayo ng regalo sa isa’t-isa, ‘wag mong susubukang hulaan ang binili niyang regalo para sa iyo, dahil tiyak ‘pag hinulaan mo, tama ang magiging hula mo, at magtataka pa siya kung paano mo nahulaan;

19. Paborito niyang lola si Lola Encar, kaya dapat good shot ka kay lola;

20. Hindi nga pala siya mahilig sa kanin, konti lang siya kumain nito kaya hindi problema ang mataas na presyo ng bigas;

21. ‘Wag na ‘wag mo siyang isasama sa McDonald’s para kumain, dahil tiyak na masesermonan ka;

22. ‘Pag may bago siyang entry sa blog niya, dapat nabasa mo ‘yun, dahil araw-araw ka niyang kukulitin na basahin ‘yun;

23. ‘Wag mong kukwestyunin ang kaniyang galing sa salitang English dahil kabisado niya ang kaloob-looban nito, liban sa pagbigkas ng salitang “corps” sa press corps liban na lang kung ito ay defense press corps;

24. ‘Wag mong dadautin ang paggamit niya ng mga kakaibang salitang Filipino na isinalin mula sa English, at pormulasyon ng mga pangungusap sa Filipino, dahil maghahalo ang balat sa tinalupan. Lalong ‘wag mong dadautin ang PW dahil mas higit na maghahalo ang balat sa tinalupan; at

25. Sobrang sarap niyang magmahal, lubus-lubos, bigay-todo, hanggang langit, kaya ingatan mo siya, pakaingatan mo siya ng sobra.

P.S. Gusto niya ang lagi siyang binibisita sa bahay nila sa BF Homes. Gusto niya ‘yun para maging malapit ang kaniyang karelasyon sa kaniyang mga magulang at kapatid.